Last night, umuwi ako ng maaga co'z no need for an overtime and medyo ahead naman ako sa project ko and 2nd week of July pa naman ang deadline. But the quotation is only 10.5 working days which is about 92 hours lang ang dapat i-render ko sa job na yun.
Enjoy naman ako sa present project ko ngayun kaya hindi ako pressured and stressed after work. Kaya yun umuwi nga ako ng maaga kagabi.
On my way back home, two rides ako lagi. Bus then a jeepney, or minsan three rides kapag umiiwas sa heavy traffic. But that night was so fantastic, romantic and extra-ordinary.
Naghihintay ako ng jeep na masasakyan then may dumaang girl, she's tall and pretty, elegant looking pero simple parin ang dating. Hindi mukhang mataray, at approachable I think. Pero hindi ko naman in-approach syempre kahiya naman. Pero gusto ko talaga siyang makilala or kahit ma-greet man lang or just a simple conversation. Dito naman sa pinas di uso yung mga ganyan, usually iba na ang dating sa kanila.
Then a jeepney arrived and sakto yun maluwag at sumakay kaagad ako. Maya-maya huminto ulit sa kabilang kanto yung jeep, sumakay yung girl! Umupo sya sa tabi ko at medyo siksikan na rin.
Nagbayad na kagad ako ng pamasahe then right after nagbayad na rin sya ng pamasahe. Ako nagabot ng bayad at sukli niya. I was looking at her hand and ang kinis at for sure malambot at silky. Malapit lang pala ang bababaan niya.
Wala akong imik, nakikiramdam, nagiisip, hanggang sa bumaba na nga siya. In-explore ko yung place na binabaan niya, baka sakaling makita ko ulit sya. haaaaaaayyyyy!
Hindi pa nakakalayo, naiwan niya yung panyo niya. Alam kong panyo nya yun dahil hawak hawak nya yun nung pagsakay niya. Kinuha ko yung panyo at pumara kaagad. Hinabol ko yung girl, buti na lang tinandaan ko kung san sya nagpunta. Naabutan ko pa siyang naglalakad.
Nagulat siya sakin at dala dala ko yung panyo niya sabi ko "Miss naiwan mo panyo mo sa jeep". Inabot ko at nag-thank you naman sya. She asked "Bumaba ka pa para ibalik sakin to?". I replied "Wala yun! Sige uwi na ko." She also asked "May I know your name?" Sumagot kagad ako but I did not asked her name. As I turned my back bigla niya kong tinawag. Sabi niya "Wait! May gimik ka ba tonight?".
Napag-isip-isip ako, bakit niya ko tinatanong ng ganun? So sagot ko sa kanya wala. And she said "Ok sige, let's eat in a resto, san mo ba gusto?". Nagulat ako sa sinabi niyang yun! She also said "Just a simple thank you lang naman."
As in huh? Grabe to ah! Sabi ko "Sige kahit saan, kung san mo gusto or if you like I know a resto na may magandang ambeance at food with good music din."
Nagsettle kami kung pano, tinanong niya kung uwi muna ko then meet na lang sa isang place or hintayin ko siya sa haus para makapagbihis siya. I prefer to wait na lang kasi sayang lang oras kung uuwi pa ko.
She invited me to her house and na-meet ko yung mother and father niya and also her younger brother. A li'l conversations and medyo nakilala ko siya pero nakakagulat talaga parang ang bilis ng mga nangyayari. Tapos ang gaan ng loob sakin ng parents niya. Eh it's just an accident na nagmeet kami. Nakapagbihis na siya, para tuloy gf ko siya na hinintay sa bahay para magbihis.
So yun nga nag-date kami and medyo confused siya, kahit naman din ako. Para nga kasing ang bilis. Wala siyang bf pero maraming suitors. Ako naman, searching for ms. right. We've talked about my job and her college life until we go deeper. More personal and love life. The last topic was about her hanky, the incident and about our feelings.
Hindi ko ma-explain, kahit ako naguguluhan din, it's like an ESD (electro-static discharge) that you felt when you touched a metal or conducting object that completes a circuit.
Because of these incident, kakaiba feeling ko. I'm lying on a cloud, enjoying the breeze, cotton puffs all-around, and a good view from sky above.
We're texting each other now with some phone calls and it's like matagal na kaming magkakilala.
This is so unusual, common in movies but rare in reality. But it happened to me!
Mitchie! Thanks last night...ang saya saya ko and alam mo yun. Nakakahiya nga lang para sa isang guy na hindi bayaran ang expenses sa date natin. Dapat ako na nagbayad ng full, bakit pa kasi gusto mo hati. Anyway because of your hanky, nagmeet tayo, nag-date tayo, nakilala kita and mas makikilala pa kita. I know you'll be reading this, since you know my e-mail, my friendster and other sites.
Sana malaman ko na kung ano talaga nararamdaman mo but I understand naman kasi nga ang bilis ng mga nangyayari. I just wish na yung feelings natin will develop and lasts for long. It's not yet time to judge what we are having now but I'm excited of what the result will be. Destiny? Fate? Love at first sight? Will it be just an impulse?



