tao's tags:
usung uso pungsoy este fengshui tuwing bagong taon chinoy di ba? ngayong papasok na taon ng baboy, uunahan ko na kayong lahat. di sa pagbati ng kung hei fat choy, kundi sa mga pungsoy tips. heeeto na!

1. (nasulat ko na to, pero ulitin ko na lang) wag na wag kang gagawa ng hagdan sa loob ng bahay mo mula 1st flr tungo 2nd flr, kung wala ka pang 2nd flr. baket? kasi, papasok tubig ulan, bobo.

2, ngayon, kung me 2nd flr ka na, gawa ka syempre hagdan. pero wag na wag ka gawa hagdan na 5 baytang lang. oo nga matipid yun, exersiado ka pa. para baga rock-climbing. baket wag? kasi, madali mabosohan umaakyat, engot.

3. tsaka kung me 2nd flr ka na, wag na wag ka gagawa ng pinto sa 2nd flr palabas ng terasa, kung wala ka pang terasa. baket? kasi, mahal bayad sa ospital pag nahulog ka't nagkabali-bali tadyang mo, tanga.

4. wag na wag ka maglalagay ng computer sa study room. baket? kasi, hindi ka makaka-study pag ganon, ulol.

5. kung me atik bahay nyo na binabahayan ng butiki, wag na wag kayo matutulog dun. baket? kasi mahilig umebak mga butiki sa gabi, baka masyut pa sa nakabukaka nyong... bunganga. sira.

o ayan a? puro orig na pungsoy ko yan. korni pero pag di nyo sinunod, tyak ko, disgrasya abutin nyo. kung me gusto pa kayo itanong, tanong lang nyo. oks ba mga tsiko at tsika? mga tsikiting na rin?

bago ko magpaalam, isang pagbati muna sa kabayo kong z choy. pinapakain ko zha ng zakate pero payat pa rin. naizip ko tuloy... kung hay, fat choy, z taon ng vavoy. vavu, mga kalvu.



del.icio.us Digg reddit StumbleUpon

Comments

  • queenparanoia said on Feb 11, 2007....
    hahahahahahhahahahahaha kakatuwa ka talaga tao!!!
     
     
  • Ormocanon said on Feb 11, 2007....
    Orig nga pungsoy mo 'tol. Pero mawalang galang na 'tol, sa tingin ko, magkaiba tayo ng pinaniwalaan, kasi kahalintulad ng tung-its ang alam ko'ng pungsoy.
  • Lioness said on Feb 11, 2007....
    Ewwwww.... Nice one tao! Este.. pintsik ka ba?
  • tao said on Feb 11, 2007....
    mareng reyna: dahan-dahan pagtawa, mare, baka mabilaukan ka :-p

    ormocanon: huh? onga no? di bale, sulat ako ng pungsoy dos :-p

    mareng leon: bosing, i wish. nag-aaral pakonti-konti. para mas epektib pag nanligaw ako sa dalagang me apelidong 1-silabol. mga tipong "tan" baga. pero mas tayp ko yung apelidong 3-silabol. mga tipong "cojuangco" baga. ilusyunado ko e :-p

  • Lioness said on Feb 11, 2007....
    pareng tao, hindi yun ilusyon no.. malay mo, may "tantoco" o "sy" kang mabingwit sa dagat ng malalaking isda na puro singkit!

    pero if you ask me, ayoko sa mga intsik, kasi naman yung mga lalaki, mas mukha pang babae sa akin, paano, di naman ako ganung kauputian.. at alam mo ba, yung nga nationals, naku, dehins nagsusuot ng underwear. Hahahaha.... chismis...

     
  • zhouly101 said on Feb 12, 2007....
    nice one you got there!!
  • bhee1106 said on Feb 15, 2007....
    salamat s pagbabasa mu, la nmn kwenta laman ng blog q.. sensya kn dun ha.. s totoo lng turing q dun s blog q diary kaya kung anu2  lng naisususlat q.. huhuhuhu
    wala n kmi ni marvin, dq kinaya eh.. i broke-up with him...
    ganda nmn ng mga entries mu..
  • mr_right14 said on Feb 19, 2007....
    Tanong ko lang...uso pa rin ba na kapag di intsik di pwede relasyon?
  • gentlepie said on May 28, 2007....

    a good read! kahit mejo late na akong nakabasa. hehe. galing talaga ni apong tao! :)

  • mr_right14 said on Jun 03, 2007....
    gentlepie,
    Be my sweetie pie like my breakfast tinapie.
    My pizza pie every afternoon like what Jim did in American Pie
    When the weather is hot, you'll be my pamaypie to cool me.
    My eggpie every sunday, my strawberry pie every saturday.
    My peach and mango pie every office break, my apple pie every afternoon break.
    The buko pie every pasalubong of my nanay.
    Wag sana kong ma-lupaypie kakakain nitong mga pies.
    Tagumpie ko for every achievement and overcoming the challenges.
    To help me sampie the clothes and dry them under the sun.
    My "kampai" every inuman at celebration.
    Pagmamahal na walang humpie at walang kupas.
     
     
     
     
  • tao said on Jun 03, 2007....
    uy... uy.... UUUYYYY.... sabi ko na e. sabi ko na nga ba e. talagang me pagnanasa etong kumpare ko ke egfay. ayyy, ang swit naman. kakainggit.... mareng egfay, kung ako sa yo, sagutin mo na bago ka maunahan nitong sina reyna at lionesa. bilis, sagutin mo na ng "tse, tsura lang...!" HNP :-p

  • gentlepie said on Jun 03, 2007....

    @pareng kanan: powetik! :)

    @ tao: hehehe, advice from da hart?

    "for the heart is an organ of fire"

    --count lazslo de almassy, the english patient.

  • tao said on Jun 06, 2007....
    sige mareng egfay. tutal hinahamon nyo ako ng pagka-makata, hahataw ako ng sarili kong tula, halaw sa matalinhagang pangungusap na sinipi mo kay konde lazslo, ang nagtityaga sa ingles (o diba, "english patient" = nagtityaga sa ingles)

    ang puso kong ito
    ay lubhang tinupok mo
    kaya ngayon maitim na abo
    ang tanging alay ko.

    oy a, mareng egfay a, kala mo sa yo ko ito inaalay? hindi a. alay ko to sa dati kong syota, huhuhu, iniwan ba naman ako't sukat?

  • gentlepie said on Jun 06, 2007....
    sinukat ka ngunit kulang? (ay, bastos! ehehehe) pis po. reading ur poem, parang i get the image of aaliyah in queen of the damned, nung sinusunog nya isa-isa her vampire subjects. galing, four liner pero may sinasabi. :)
  • tao said on Jun 06, 2007....
    marami pa kong powem. o e2 isa para sa u:

    i lab yu in red,
    i lab yu in blu,
    but mos op ol,
    i lab yu in blu.

    o di ba, ang gleng gleng? ...;-p

  • gentlepie said on Jun 06, 2007....
    powta. di ko makuha. mashadong malalim. pinagpapawisan ako!! :P
  • queenparanoia said on Jun 06, 2007....
    ehehehehehehehe natatawa ako sa inyo!!! kaya nga andaming walang banyaga ang naiinggit sa atin kapag nagtatagalog tayo eh!!!
     
    tao anu yun? blu, red??? pregnancy test ba???
     
  • tao said on Jun 07, 2007....
    o di ba mga mare? yan ang bentahe natin mga pinoy sa pinoyspeak. gaya nung huling powem ko. ingles yun. pero ang lalim di ba? at dahil ganun ang pagka-ispeling, kahit ingles, di pa rin madaling intindihin ng mga puti. kung ikaw nga mareng reyna, akala mo, ukol sa pregnancy test e. o e di malalim talaga...hehehe.

    pati nga barkada kong fil-am nagtaka dun sa "gleng-gleng" tsaka "maxado". tanong niya, "salitang tagalog ba ang gleng-gleng at maxado"?

    yari sila sa tin mga tol. pwede na natin sila ibenta....! HNP :-p
  • queenparanoia said on Jun 07, 2007....
    hehehehheheehe talaga magkano naman??? tatlo benti???

Comment on "pungsoy para sa taon ng baboy"

pungsoy tao helow tao Feng Shui jokes chinoy (Click to add tags below)

(Separate tags using commas, for example: New York, dating, vegetarian)
Comment Anonymously

Subscribe to the SoulCast Newsletter To Receive the Best Uncensored Blogs About Love, Sex, Relationships, God, Politics, and More.


Ever wonder what people really think and how they really live?

Read about the real lives of regular people like you whose powerful moving blogs will make you smile, cry, emotional, and warm inside.

Your FREE SoulCast newsletter is just moments away. Receive your first feel-good blog by entering your email address below.

First Name:
Your Email:


You can unsubscribe at any time with one click. We NEVER sell or share your email address with anyone. Period. close