Kahapon habang nakikipagtalastasan ako kay Jason, napag-usapan namin ang ugali ko.
Ganito ang tinakbo ng aming usapan.
Jason: Alam mo nung una tayong nagkita, nashock talaga ako.
Dazed: At bakit ka naman nashock. Pakiexplain naman po at parang nagugulumihanan ako sa yo. Hhaaha.
Jason: Kasi mas maganda ka pa sa inaasahan ko. Tapos magaan agad ang loob ko kasi ang bait mo.
Dazed: Hmm... mabait talaga ako sa mga taong mababait sa akin. Gago ako sa mga taong nanggagago. Ganun lang yun.Sabi nga, there is a good and bad in every person.
Sa madaling salita, nagkaroon kami ng diskusyon ukol sa mga pag-uugali ng tao at sa huli ay nakiusap sya na ibahin ang aming pinaguusapan sapagkat hindi raw siya sanay na naririnig sa akin ang mga salitang gago at iba't ibang mga mura.
Hmm... naku, sang planeta ka ba galing kuya?... tapos pinasadahan pa nya ako ng mga God Bless Us, tapos Thanks be to God, at kung anu no pang mga super spiritual na bagay. Okay lang sa akin, kaya lang hindi talaga ako sanay na mas mabait pa sa akin ang kausap ko.Eh pano, gago nga kasi ako.
Naku baka naman inaakala nyong siya ang tinutukoy kong gago. NOPE. Ako po ang tinutukoy kong gago. Hindi naman kami nag-away o kung ano man. Gusto ko lang ibahagi ang depinisyon ko ng salitang gago.
Aaminin ko sa inyo, hindi ako ganon kabait na nilalang, pero hindi naman ako maldita. Ako yung matatawag mo na in-between. Kapag mabait ka, mabait din ako sa yo, pag gago ka, mas gago ako sa yo, pero kung mas mataas ang posisyon mo at gago ka, ahem, magbabait-baitan na lang ako. Syempre takot ko lang sa yo di ba.
Pero ano ba ang gago para sa akin. Ang gago para sa akin ay isang taong marunong lumaban, at marunong humarap sa kung ano man ang nandyan. Hindi siya papaapi at lalong hindi papatalo. Siya ay isang taong pinatibay ng panahon dahil sa mga taong gumago at nang-api sa kanya. Yan ang gago para sa akin. At oo, isa akong gago.
Sabi nga ng iba, mukha daw akong anghel at mabait, pero kung alam nyo lang kung ano ang nilalaman ng utak ko, tiyak magugulat kayo. Pero kahit gago ako, eh mabuti naman akong tao. Hangga't maaari ay iniiwasan kong makatapak at makasakit. Ganyan ako noon pa man.
Pero minsan dapat marunong ka rin na lumaro. Hindi pwedeng magpapadala ka lang sa alon. Dapat marunong ka rin na sumagwan. Paminsan-minsan kelangan mong magsinungaling, paminsan-minsan kelangan mong makipagpatintero, at paminsan minsan kelangan mo din alamin kung saan ka lulugar.
Hay Jason, marami ka pa ngang dapat malaman tungkol sa akin, at mundong ito pero hindi kita bibiglain. Masyado ka lang sigurong sheltered kaya ka nagugulat. Ayoko ng maulit ang dating nangyari sa akin sa isa kong ex. Matapos kong sabihin ang lahat lahat, bigla akong pinilit ibigay ang mga bagay na noo'y hindi ko kayang ibigay. Eh gago pala sya eh. [iba pang depinisyon ng gago, isang gagong ayaw talagang patalo at makinig.]
Speaking of the ex, nasalubong ko siya kahapon sa kanyang motor, habang kami ng aking mader ay nagmamaneho pauwi ng bahay. Isa lang ang masasabi ko, yan ba, yan ba, yan ba ang ipinagpalit mo sa akin. Hahahah. Wala ka talagang taste. Basta may palda, masaya ka na. Yun lang.
Cheers!



