i feel like i have to express all my lamentations in my native language today. maybe because it's more real... to those who can't understand tagalog... im sorry guys...
alam mo, mahal pa rin kita. ang tagal kong itinanggi sa ibang tao at pati sa sarili ko na mahal pa rin kita. siguro kase ayoko ng masaktan. ang tagal tagal ko ng nararamdaman to. akala ko wala na ko nararamdaman para sayo. ilang beses din ako nag-isip. ilang beses nagdesisyon na tama na, tapos na ang kabaliwan ko sayo. na wala na ko natitirang pagmamahal para sayo. pero sa tuwing titingin na ko sa ibang direksyon, mukha mo nakikita ko. boses mo naririnig ko. at bumabalik lahat ng mga alaala ng kahapon. mahal pa rin pala kita. kahit masakit. dahil may mahal kang iba.
masaya ako sa mga sandaling nakikita kita. pag malapit ka saken, kahit di mo ko tinatapunan ng kahit isang tingin, kahit para sayo ay wala ako dun, masaya na ko. masaya ako sa mga pagkakataong kahit napipilitan ka lang na pansinin o kausapin ako. masaya ako pag napapangiti kita kahit alam kong ayaw mo. masaya ako dahil kahit saglit lang, sumagi ako sa isip mo. mahal kita. mahal na mahal. mahirap tanggapin yun. dahil wala na akong hinihintay. hindi ko na inaasam na mahalin mo ako ulit. hindi ko inaasam na maghiwalay kayo ng taong mahal mo. hindi ko hinahangad yun. dahil ayokong masasaktan ka. dahil nasasaktan ako pag nasasaktan ka. masaya na kong nagmamahal dito sa malayo, dito sa isang sulok kung saan ako na lang ang nakakaramdam ng sakit. kung saan ako na lang ang nakakakita sa sarili kong umiiyak. masakit. sobrang sakit. pero ganun ako magmahal. titiisin ko lahat.
hanggang kailan ako magiging ganito? ayoko ng masaktan. pagod na ako. pero sa tuwing dadating ang pagkakataon na lilimutin na kita, bumabalik ang mga alaala. mahal kita. sobra. kung pagbibigyan ako ng diyos sa isang kahilingan, hihingin ko ang isang araw na kasama ka, na sa isang araw na yun, makita mo kung gaano kita kamahal. at maramdaman ko kahit saglit lang ang pagmamahal mo. pero may mga bagay na hanggang pangarap na lang. at ikaw yun. isa ka na lamang panaginip. isang pangarap na hindi maabot. pero kung ang pagtulog lang ang paraan para makasama kita muli sa panaginip ko, ayoko ng magising pa. dahil mahal kita.
nasanay ako sa lahat ng bagay na hilingin ko, nakukuha ko. pero nung hiniling kita, pinagkait ka sakin. hindi ko alam kung bakit. pero dahil dun nabago ang buhay ko. mahal kita. natuto akong magmahal dahil sayo. nagbago ako dahil gusto kong mas maging mabuting tao para sayo. pero hindi mo ako kailangan. ikaw, hindi kita mahal dahil kailangan kita. mahal kita kaya kailangan kita. pero hindi mo alam yun. dahil iba ang mahal mo. ako, ikaw lang. ikaw lang habang buhay.
matagal na kitang mahal. matagal na kitang hinihintay. pero alam ko, hindi naman kailangan maghintay. dahil wala na akong hihintayin. ganun pa man, gusto ko sanang ipaalam sayo, kahit anong mangyari, hindi kita iiwan. nandito lang ako, naghihintay na kailanganin mo. mahal kita.
pero gusto na kitang palayain. gusto ko ng palayain ang mga alaala mo. dahil masyado na akong nasasaktan. at sana, kung may natitira pang pagkilala sa puso mo para sa akin, sana ay mapakawalan mo na. dahil ayokong mabuhay ka ng may sakit sa buhay. dahil mahal kita.
pinapalaya na kita... kahit masakit. dahil wala ng ibang makapagpapasaya sa akin, kundi ang makita kang tunay na masaya, kahit sa piling ng iba...



