dazed_and_confused's tags:
Who's reading dazed_and_confused (45):
Nung isang araw, nagtatrabaho ako mula 9am- 1:30 pm kinabukasan. So all in all higit isang araw akong nagpoprogram. Aray ko. Bakit? Kasi malapit na ang presentation sa board of directors.

Ano naman ang napulot ko sa mga pinaggagawa ko?

Bukod sa isang nuknukang sobrang laking pimple sa gitna ng noo ko at malalaking eyebags e may natapos naman akong design at interface kahit papano.

Umuwi na ako ng mga 2pm. Kaya lang sa sobrang hilo ko, imbes na MRT na jeep ang nasakyan ko, napasakay ako ng Guadalupe. Ay naku ayun cge e di bumaba na lang ako ng guadalupe. Ayan e dun kaya ako papunta paSouth. E di cge, sakay ng elevator ang lola mo. So lakad ako dun. Tapos bababa ulit ako ng elevator pababa kasi yun na yung way ng South. Aba, malay ko bang sa 2nd floor ako napapababa. Tapos kung mamalasin ka nga naman, paglabas ko ng elevator aba sira pala ang down button. E di nagstairs na lang ako.

Hay antok na antok ako. Buti na lang at nakasakay na ako ng bus. Yun nga lang ordinary. Hindi naman ako maarte sa ganun. Kaya lang biglang umulan nung nasa gitna ako ng byahe. E hindi na ako makatayo sa kinatatayuan ko at ayaw pang sumara ng bintana.

BASA! yan ang nangyari sa akin. Hay naku. Pero hindi pa ako natulog pagdating ng apartment. Nawala na kasi ang antok ko. Ayun kaya nagmarathon na lang ako ng Tokyo Juliet. Natulog na rin ako pagkatapos, kaya lang biglang dumating ang kapatid ko. E di nakipagkwentuhan pa ako. Ay buhay. Mga 11 pm na ako nakatulog ulit. Nyerks.

Kaya eto antok na naman ako. Oo nga pala, nauntog ako kanina pagbaba ko ng jeep heheheh. Pero okay naman ako!

Wala lang!

Cheers!



del.icio.us Digg reddit StumbleUpon

Comments

  • Lioness said on Jan 04, 2007....
    Nakupo!! Ngayon, ngayon mukhang nababagay yung user name mo Dazed!!

    But I had a good laugh sa true lang.... Enjoyed reading your funny post.
  • queenparanoia said on Jan 04, 2007....
    sorry ha tumawa ako sa post mo!
     
    pareho tayo minsan kasi parang tatanga tanga. hay naku kung hindi ka makatulog mag anu ka....
     
    masturbate. believe me tulog ka kaagad!
     
    hehehe LOL
     
     
  • dazed_and_confused said on Jan 05, 2007....
    Lioness. oo nga eh mukhang nadazed and confused nga ako eh. laki nga ng eyebags ko hehehe :D ang makinis kong skin eh nagkaroon ng umbok whahah :D

    Oks lang kasi weekend naman bukas. Kaya lang pinapauwi naman ako probinsya. Magbabantay daw ako ng grocery namin. May aasikasuhin daw kontrata. Hay naku talaga.

    Queen. Oks lang yun. Talagang dinadaan ko na lang sa tawa ang mga misadventures ko hhehe :D Lalo kaya nung unang salta ko dito sa manila. Hay naku probinsyana talaga kasi nawawala sa Ortigas.

    Ay pag kasi nagmamasturbate ako eh lalo akong nabubuhayan heheh :D Parang kape. heheheh :D

    Cheers!

  • Lioness said on Jan 05, 2007....
    Hay naku, hope nangyayari lang yan tuwing di ka nakakatulog ng halos isang araw.. Ok lang yang taghiyawat.. wag lang magkapekas no? hahaha Naku, ha, iwasan ang eyebags, baka magmukha kang zombie?

    Naku, for sure, marami na namang happenings dun. Paki-kiss na lang ako sa best friend mo dun na walang nakita kundi mali. =)

    Sobrang busy yata mga bloggers now, medyo magulo ang mundo ng SC. Hay...

  • dazed_and_confused said on Jan 05, 2007....

    oo pag wala nga lang talagang tulog! :D heheh... Di bale kaya namang matanggal yan ng cucumber at yelo. Heheheh bawi na lang ako ng tulog sa bahay.

    Happenings? naku boring nga sa bahay. Yung mga bestprend kong mahihinhin e nasa ibang lugar alleluya! hahaha :D

    Di bale hindi naman ako nagkakapekas. Pero yung mom ko, naku maarawan lang e may pekas kaagad. :D

  • dazed_and_confused said on Jan 05, 2007....
    Ay hindi na pala ako uuwi ng weekend. Guess nyo kung bakit?

    Kakayod na naman ako bukas... kasi hindi pa namin tapos ang ipipresent namin. hahahah

    ay naku.

    heheheh :D
  • paidinblood said on Jan 05, 2007....
    kaya mo yan dazed!

    Kung feeling mo na hindi mo na kaya, sobrang pagod ka na, mag masturbate ka!

    joke... ay pede na rin! ahehehe
  • PAPERBACKWRITER said on Jan 05, 2007....
    Babalik po ako

    papel~
  • Ormocanon said on Jan 05, 2007....
    Alam mo dazed, sa kwento mo'ng yan, naa-apreciate ko ng todo ang buhay probinsya. :)
  • drifting_traveller said on Jan 05, 2007....
    funny hehe
  • czarxtian said on Jan 05, 2007....
    pareho lang tayo ng problema, hirap din maging isang estudyante lalo na kung nursing ang kurso na kinukuha... minsan nga eh natutulog kami sa loob na lang ng paaralan, o kaya tinutulugan ko na lang ang mga pasyente sa ospital para wala ako problemahin. minsan naman di na ako natutulog dahil alam ko na gigising lang naman the following day... ang saya ng buhay ko noh?!
  • gingersoul said on Jan 05, 2007....

    Sorry......i have to comment.....your language is so intriguing.....sorry.....

    please, carry on...:-)

  • dazed_and_confused said on Jan 05, 2007....
    paidinblood. oks lang naman heheh :D nageenjoy naman ako sa ginagawa ko kahit mahirap eh :D rewarding naman cya pag natapos mo ang gagawin mo. :D uy anyone need a gorgeous, self reliant, cute, and smart programmer.....
     hindi ako un! joke lang! :D

    basta as long as I enjoy what I do, sige lang ng sige! :D

    paper. thanks for dropping by! :D

    ormocanon. ako din eh. sa probinsiya ang simple ng buhay. sa Maynila hindi ka pwedeng tatanga tanga. hehehe :D eh laking probincya pa naman ako. pero okay lang. masaya naman. magenjoy sa buhay.

    drifting_traveler. Yup it was indeed funny. Thankfully my big zit is now gone and has been replaced by a teeny one.

    czarxtian. ay oo sinabi mo pa. heheh. ang hirap nga maging nursing student kasi halos 18 hours ang shift mo. pag mamalasin ka pa eh naku halos 2 araw. naalala ko nung sa call center pa ako nagtatrabaho hay naku, para akong zombie. heheh :D enjoy ka lang sa pagaaral! hehehe :D

    gingersoul. is it the way I write in Filipino. Hehehe. Its written in slang so even if you translate it to babelfish heheh, it would turn out quite funny. hehehe :D Glad that I made you smile.
  • gingersoul said on Jan 05, 2007....
    You little stinker...lol....:D
  • tao said on Jan 07, 2007....
    nakow. e bagay pala sa yo mare ung ngalan mo na hilong-lito e. nauuntog sa jip. masyado ka siguro matangkad hane? kaso, di ko masyado magets ung mga lugar ha. kce mare minsan pa lang ako napadpad sa mrt. d kce aq tiga-menila e. todits koaks sa tinatawag na kabiserang pantag-araw. todits mare di ka mahihilo. pramis.

  • dazed_and_confused said on Jan 07, 2007....
    naku, maliit lang ako para. chubby na cute na maliit :D heheh :D ah masyado lang akong antok kaya nauntok :D anyways. oks na ako ngayon. refreshed na kahit papaano. :D

    Cheers
  • czarxtian said on Jan 08, 2007....
    chubby na cute n maliit? ganyan crushes ko dati...hehehe ero ngayon hindi na. gusto ko mga slim na.:D wala lang.

    nabasa ko pala mga previous posts mo, naawa at nagalit na disturbed ako, sad naman ng past experiences mo. hope that may isang tao na makasama mo na lahat ng oras nandyan para sayo, parang guardian angel, na body guard at personal assistant.hehehe
  • dazed_and_confused said on Jan 08, 2007....
    heheh :D ganun ba hhah :D oo mejo disturbing ang mga experiences ko. :D pero it made me stronger kaya okay lang din naman yung trade off kahit papano. :D

    ganun pala ang mga type mo ha :D sabagay lahat tayo nagbabago ng preferences.

    ako talaga gusto ko dati slim na chinito, tapos nging chubby guys, tapos ngayon mejo slim na muscular hahah :D

    ano kaya ang susunod!?

    Cheers
  • czarxtian said on Jan 09, 2007....
    slim na muscular? reminds me of my friend in school, tawag ko sa kanya chopsticks na may muscles...hahaha!

    ako, wala naman talaga preferences, pero dati mas nagugustuhan ko mga chubby kagaya ng ex ko. ngayon gusto ko mga slim dahil sa gf ko, guess i'm stickin with my slim girl na.:D
  • dazed_and_confused said on Jan 09, 2007....
    Yup, slim na muscular, parang yung katawan ni AJ Dee dati hahahaha :D Bruce Lee? hahah :D

    Yup sabagay when you feel the love wahaha, preference or no preference!


  • mr_right14 said on Jan 16, 2007....

    AKo?

    Attracted ako sa mga maliliit pero cutie. Tapos talagang cute and attracting ang personality niya. Nagka GF ako imagine 6 ako and 5'1 lng siya.

    But I really prefer na model type. Long legged and slim and not so busty. Gusto ko kasi na kahit 40 na siya still hindi nagbabago katwan niya and alagang alaga face niya. I'll support her financially and  stress free. Aalagaan ko talaga siya! Para laging buhay sex-life at love-life.

    One cause kasi yung wlang buhay na ang sex-life. Losyang na tapos bagsak pa performance. Much more, sawa na kaya hanap naman ng bagong ulam.

    Programmer po ba kayo ms. dazed? Wag ka laging magpuyat, malaking losses sa katawan mo yan. Bagsak ang immune system mo kasi kapag ganyan. To the record, I was able to be awake for about 3 days straight. Nung graduatin ako and we have 10 projects. Starting from feasibility, uwave design, auditorium design (acoustic design), telephone network design, cell project, electronics design na dapat sarili mong design and will be verified kung talagang design mo or copied lang, LAN Network, Robotics, FO communication at Broadcasting.

    Shit pinagawa samin yun sa iisang sem lang! Sige sinong matulog papatayin ko! As in walang tulugan para lang magawa ang project plus we have to attend class. kAhit idlip wala! Kumain? Magtagal ka kundi tanggal ka sa grupo. (Pero yung ibang projects individual ha!)

    Yang mga yan mga design at technical projects yan. hindi pa kasama yung mga ibang projects like research o somewhat like a thesis. Hayop talaga! Nakawala rin ako sa bote. hinayupak na college yan. pinagdaanan ko eh butas ng nanotube.

  • dazed_and_confused said on Jan 16, 2007....
    hahaha :D oo isa akong programmer mr_right14. hahah :D ang tangkad mo pala. actually yung nararanasan ko din ngayon eh wala pa din yan nung college ako.

    Nung college kasi ako, tulad mo din, nuknukan ng daming programs na papagawa. Actually sabi nga sa amin, every week is hell week. Naranasan ko nun din na dalawang exam ng Saturday, tapos may program na ipapasa ng monsay, parang quiz game cya, tapos sa tuesday magpapasa naman ng mobile phone application, tapos sa wednesday may ipapasa pang java applet. aruy ko.... tapos kasabay non e may mga reports pa at presentation.
    Hehehe, pero para matanggal ang antok ko, nagcoke na lang ako ng nagcoke.

    hehehe, at ang mahirap pa nun, inaaway pa ako sa telepono noon ng bf ko at that time. Pero lam mo nakakamiss din naman yun eh. I actually drink lots of juices para hindi humina ang immune system ko and I try to sleep every chance that I get.

    Naks, cutie na maliit ba kamo? ... parang may kilala akong ganyan.... biro lang!

    Cheers po sa mga nagpupuyat!

Comment on "Paalala: Huwag Uuwi ng Bahay na Isang Oras lang ang Tulog galing Trabaho"


(Separate tags using commas, for example: New York, dating, vegetarian)

and have to at least try to keep a straight face....
in the flesh...
Or does Aaron Neville..................
Last night Sweetie and I drove to San Jose to have dinner with my niece....
Happy Thanksgiving....