tao's tags:
Dati, ang paboritong SWISH ("Salitang Walang Ibig Sabihin, Hane") ng mga taong showbiz e "Actually." As in, si Kris Aquino bawat pangatlong salita, merong "Actually..." Dinagdagan pa nya ng "Yun na." Kasi wala na siya ibang maidagdag na me laman.

Nung medyo kabataan ko pa, marami akong barkada, puro barumbadong intelektwal-kulturati-kuno. At isa sa grabeng kinaiinisan namin, e yung mga katulad namin na barumbadong intelektwal-kulturati-kuno, pero ayaw bumaba sa lebel ng masa. Masyadong mapagpanggap na mataas ang pinag-aralan, at dinadaan sa pasiklab ng mga malalim na salitang Ingles na wala namang laman. Tulad ng actually, as a matter of fact, in the last analysis, as far as I'm concerned, expressive dichotomy, aesthetic distance, well and good, moot and academic, estoppel, escrow, estafa atbp.

Kami kasi, kahit gaganyan-ganyan na parang walang silbi, e napasabak sa mahirap na buhay na babad sa masa. Kapag tibak ka nung dekada 70, natuto kang dumiskarte sa tsibug, kahit isaw at singkamas maghapon. Natuto kang sumemplang kung saan - punerarya, lobby ng ospital, istasyon ng bus, sulok ng Luneta - kapag di ka na makauwi. Natuto kang umangkop sa buhay-iskwater, sang kahig sang tuka, ilagay ang ebak sa plastik supot at itapon sa estero.

At higit sa lahat, natuto kang umangkop sa salita ng masa. Pag kausap mo sila, magsabi ka na ng kung anu-anong kabalbalan, pero wag na wag kang babanggit ng "Actually" at iba pang katagang SWISH lalo't Ingles.

Kaya noon, pag me narinig kaming tulad naming petiburgis pero namumutiktik sa "Actually," kawawa siya sa kantyaw namin. "Ows, talaga? Actually? Grabe. Narinig mo tol, actually daw? O, actually naman pala e. Oo nga naman, actually nga naman."

Nang tumagal, medyo nahawa din ako sa sakit na ito, pero ibang viral strain. Nalulong ako sa nakaririmarim na pagkalulong sa salitang "Essentially." Para akong Kris Aquino na bawat pangungusap e tadtad ng essentially.

Hanggang sa napansin ko ito, at tinanong sa sarili... teka, meron bang bagay na dapat sabihin pero hindi essentially? Di ba lahat naman na dapat sabihin e essentially? Ako halimbawa, essentially lalaki. Ano kaya't me magsabi sa akin na ako e lalaki, pero hindi essentially? Baka sakalin ko sya. O, batiin kaya kita ng "Good morning, essentially." Baka pandirihan mo ko di ba? Kaya, yun, ipinangako kong itigil na yang adiksyon ko sa essentially.

Nitong nakaraang ilang taon, merong bagong pumalit sa actually at essentially. Buti na lang hindi ako nahawa. Saglit lang pala nahawa din ako. Pero nakarekober agad. Ang kaso, ang dami kong kaibigan at kakilala, tinamaan ng sakit na to. Tindi talaga. Mas grabe sa dengue tol. Ang tawag sa sakit na ito e "Basically."

Sa tuwing me naririnig akong bumigkas ng basically, gusto ko kastiguhin, sakalin, sampal-sampalin para matauhan. "Basically ka dyan!" Syempre, di ko ginagawa. Kaibigan ko sila e. Kaya, yan, si Homer na lang ang uutusan kong sumakal. "If I hear you one more time uttering that vile word, I will basically strangle you!" Di ba Jessica Zafra m'luv?

del.icio.us Digg reddit StumbleUpon

Comments

  • Ormocanon said on Dec 21, 2006....
    alam mo 'tol, siguro namumula na ngayon ang dila ni Kris Aquino sa kakakagat nya "accidentally". Panay kasi ang banggit mo ng pangalan nya. :)
  • tao said on Dec 23, 2006....
    actually, matalino si kris. pwera lang sa pagpili ng bf. hahaha. ayan, napa-actually na naman tuloy ako. sori kris kung nahirinan ka na naman sa kakabanggit ko ng pangalan mo :P

  • Lioness said on Dec 26, 2006....
    Naku, sa true lang, agree ako sa mga napansin mong yan... Nakakatawa, pero totoo.. minsan, dinadagdagan na lang ng pasosyal na salitang ingles para magmukhang may sense. Pero kung susuriin, eh... alaaaaaang kakwenta-kwenta! Pero sa palagay ko eh naging biktima din ako niyan.. hehe...
  • tao said on Dec 27, 2006....
    Lioness, minsan masarap din laruin yung ibang salitang walang laman, pero Pinoy na pinoy. gaya ng "ano" tsaka "kuwan" tsaka "ganito, ganyan, ganoon."

    Sampol: "Hoy mare, narinig mo na ba? Si kumareng kuwan pala e araw-araw na inaano ni ano, ni... sino na nga ba yung kuwan ni kuwan? Oo yun na nga. Ahaha-hay, kakakilig. Nag-gaganyanan pala sila? Araw-araw pa ha. Sana ako rin, me gumanon din sa akin. Kahit oras-oras pwede."

    Parang naintindihan ko. Na parang hindi. O di ba mga tol? Sey nyo.

  • Lioness said on Dec 27, 2006....
    Ha? Ahhhhhh....

    Ano daw????

    Hahaha! Sus! May nakausap na akong ganyan, nakakabobo!!!  Ang sarap ilibing ng buhay eh! =)
  • queenparanoia said on Dec 29, 2006....
    pinoy nga talaga oo! actually, we are basically stupid persons!!!!!!!!
     
    at kris aquino? yes i agree ang bobo pumili ng boyfriend! may makakuwan lang sa kanya eh papatol na kaagad!
  • tao said on Dec 30, 2006....
    hehe, reyna, siguro ilang pinoy lang naman ang istupido. meron talaga tayong ilang kabayan, pag hinarapan ng kaning-baboy e kakainin, tapos hihingi pa ng second serving. si kris naman, hayaan na natin yun. yun na nga lang ang kaligayahan niya sa buhay (ang manlalaki), ipagkakait mo pa ba? hehehe

  • queenparanoia said on Dec 30, 2006....
    oo nga no! hehehe LOL
     
  • Ormocanon said on Jan 05, 2007....
    Naku kayo ha, nakakakuwan na yang pangkukuwan nyo sa kakuwanan ni kris. Sa tingin ko, ganito yan, pulang-pula na ang kuwan ni kris sa kakukuwan natin sa kuwan nya.
    Eh kung kuwan, tayo ba naman ang nasa kuwan ni kris, eh di makukuwan din tayo, di ba? ha? :D
  • tao said on Jan 07, 2007....
    hay kayo talaga. masyado kayong mahilig sa anuhan. pati kuwan ni kris e gusto nyo anuhin. :-p tsaka meron pa palang isang kakatuwang salitang pinoy -- yun bang "ewan". tulad nitong si justice secretary gonzales, pag naririnig ko magsalita sa tv, ang palagi kong sabi sa sarili e "hay nagsalita na naman etong si isa't kalahating ewan!" o di ba? hay mga pinuno ng ating bayan talaga oo. puro sandamukal na ewan. sarap pag-aaanuhin!

  • mr_right14 said on Jan 11, 2007....
    Kris aquino?
    Maganda sya, may pinagaralan.
    Pero sa hosting, masyado syang nanghihimasok sa  buhay ng mga kasali.
    At kung hindi man ganun kagandahan, bigla nyang ikukumpara sa sarili nya.
     
    Bkit kung minsan sinasabihan nya ang contestant na napakadali ng sagot? Pero kung ang napakasimpleng tanong naman ay nagtataka pa sya na yun lang pla ang sagot.
     
    Isa nga syang aristokrata ngunit isa ring ingreta. O kung minsan ay antipatika. Wala akong makita kundi ang paggamit nya na ang ina niya ay naging pangulo.
  • mr_right14 said on Jan 11, 2007....
    Haaay naku.
    Isa yan marahil sa kulturang pilipino.
    Basta maganuhan na lang tayo.
    Lioness!
    Gusto mo anuhin kita ng kuwan ko?
    Sige na masarap yun?
     
     
     
     
    Gusto mo lotionin kita? Massage pa kita. Lapit na summer.
    May lotion ako dito, SPF50.
    Kala mo kung ano no?
     
    Sige dyan na muna kayo. Manonood pa ko ng kuwan at pupunasan ko yung kwan ko. Matagal na kasing hindi nagagamit eh at nagagalaw. Lumambot n nga eh. Pero kung paiinitin ko, titigas ulit yan at magkaron ng matikas, tuwid at magandang hubog. May mga scented candles din ba kayo?
     
    Yung sakin dito Therapeutic ang scent nya. Yun punasan ko muna at medyo nadeformed na kaya imo-mold ko lang ulit. Candles po yun at hindi candles na may muscle. Wehehe.
     
    Pasensya na grin lang ako ngayun. Pano kasi lucky color ko daw sabi ng Feng Shui Expelt eh Green. Diba magkatunog naman? Grin Green Grass of hope!!! Kumanta ba. Wakekek Pero totoo naman diba? Tingnan mo yung pakete ng HOPE na sigarilyo, diba green! Hmmmp. Eh san din ba galing yung sigarilyo, diba halos damo din yun? Oh sabihin na talaga nating damo.
     
    Ngayon kapag sinabi mong damo na hinihitit, diba marijuana yun? San ba galing ang pangalang marijuana? Maria Juana. Pangalan noong panahon ng mga babae. Eh diba masama at ipinagbabawal ang marijuana? Alam mo ba yung istorya nila Eba't Adan tungkol sa mansanas. Marijuana=Maria Juana, pangalang babae. Talagang babae ang puno't dulo ng kasalanan. Joke lang po. Para lang sa kakatwanan.
  • Lioness said on Jan 11, 2007....
    Akala ko kung ano na!!!!!!

    HAHAHA! Mas nakakaloka pala itong si mr_right! Pag ganito nababasa ko araw-araw, pagkakamalan akong takas sa mental!

    Basta ako, di ako fan ni Kris. Kahit pa maging 20 ang bewang niya at lalong bumaba yung tabas ng damit para ipakita lang ang cleavage niya. O kahit magsuot pa siya ng maternity dress kahit di pa naman halata ang pagkapregi niya!!! Not my type. LOL

    Nahawa tuloy ako sa kaberdehan. Hay naku, now lang me nakarinig ng candle na pinupunasan. Hmmmp..
  • tao said on Jan 12, 2007....
    uu nga. kakaloka ka talaga, ginoong tama14. pero wag nating aanuhin masyado si kris ha? kakaawa din naman. kahit gaganyan-ganyan yan, parang tao na rin yan di ba? :-p

  • mr_right14 said on Jan 12, 2007....

    UU naman.
    Hindi sa ganun na halos burahin ko na sa mundo. Si Kris? Uu maganda at ang ganda ng katawan. Gusto ko nga makita yung ano nun eh. Yung bahay niya....yung bahay bata. Wehehe. I mean yung pasukan ng bahay bata naku grin na naman ako. Yung harapan po ng bahay nila. Kaaya-aya kasi.

    Lioness kailangan punasan din ang mga kandila lalo na kung maalikabok. Dahil kapag nagtagal ay kumakapit ito lalo na kapag mainit. Ang pangit naman tingnan na ang isang kandila ay hindi makintab at makinis. Bukod sa pagbibigay ilaw, at halimuyak na nakapagpapaalis ng pagod, ay kailangan ding maganda sa paningin kahit ito'y walang sindi. Isa rin naman itong pangdekorasyon sa bahay. Alagaan ang kandila. Para ding kandilang maskulado. Lam mo na yun kung ano yun.

  • mr_right14 said on Jan 12, 2007....

    Tao may tanong lang ako. Mr sa tagalog ay ginoo. Kung gayon si Maria pala ay Lalaki? Uso na ba ang lesbiana sa panahon ni kristo? Aba Ginoong Maria? Siguro may isang bading na nakita si Maria at nagulat sa katotohanan. Lesbiana pala si Maria. Aba! Ginoong Maria? Lalaking Maria?

    *Ito'y pangkatuwaan lamang at walang ipinapahiwatig na makakasama sa relihiyon. Yun lang po...

  • Lioness said on Jan 12, 2007....
    Eh di lumabas din, crush niyo siya!!!! Hahaha...  =)

    Siya, siya mr_right, now I understand why kelangang punasan ang kandila. Teka, matanong ko lang, di ba yun sisindi pag maalikabok? At saka may tamang process ba para linisan ito?? pwede naman sigurong hugasan..ibabad..

    Haha.. oo nga, bakit ganon...
  • mr_right14 said on Jan 13, 2007....

    Uu naman lalo na kung may nakabara este nabalutan ng alikabok ang wax sa paligid ng wick.
    Pwede siyang punasan at hugasan by water pero kapag matindi yung alikabok hindi sya basta basta maaalis.
    Remember candle is a wax, when a dirt absorbed by the wax at dahil mainit, it'll stick with the wax (outer layer).
    So kahit punasan hindi sya basta basta maaalis.
    The best way is to wash it with warm water together with a towel para kumintab at maalis ang alikabok.

    Hmmm teka? Hugasan tapos ibabad? San ibababad?
    Hindi ba yun itutusok? San kaya itutusok yun? Sa'yo I mean sa candle holder?
    Ikaw ha! Basang basa ka na dyan kaya naisip mo ibabad ko ito sa...
    ...planggana, napaihi ka na kasi dyan sa inuupuan mo.

    Ayoko kay Kris dahil ilang basketball player na ang dumaan sa kanya.
    Mga 6 feet pataas lahat sila eh ako 6' flat lang. Masyadong maluwag na ang ring.

    Marahil kaya Ginoo dahil nga sa expression na "Aba Ginoo ka pla Maria?"
    Kasi nga lesbiana si Maria at may taong nakakita sa kanyang tunay na pagkatao.
    Nakasulat pla sa bibliya na ang mga lesbiana o tomboy ang nauna kaysa bading.
    Joke lang po!

  • Lioness said on Jan 14, 2007....
    Grabe ha, extensive pala ang nalalaman mo sa mga kandilang yan!!! O sige mr right, susubukan kong magpunas... ng kandila, titingnan kung maalikabok, tapos gagamitan ng towel at saka itutusok. Sa.... sa candle holder. Teka, bakit naman may warm water pa talaga? Sindihan na lang para uminit!

    Ay, basketball player ba kamo? Wala akong alam sa mga ring na yan, pwede naman sigurong i-screw para sumikip?? O kung di na talaga pwede, aba, eh di play another game! =)

    Pano yan, nagbubunyi ang mga tibo! =)

    Asan na kaya yung kaisa-isang tao rito? Baka nagpupunas na rin ng kandila!!! LOL
  • mr_right14 said on Jan 15, 2007....

    Warm water is to slightly soften up the outer layer of the wax.

    Di'ba yan din ang method or minsan hot or boiling water pa ang ginagamit kapag natuluan ng candle or napahiran ng wax ang mga damit natin. Specially kapag nanuot maigi dun sa fibers ng damit. Binababad natin yung damit sa hot water and wait for the wax to float in the water.

  • queenparanoia said on Jan 15, 2007....
    grabe ang layo na ng connection ng mga comments natin sa post ni tao!!
     
    tao: tambayan na ng mga pinoy members ang blog mo!!!
     
    sikat ka na grabe!!! idol!
  • tao said on Jan 15, 2007....
    ehehek, pano napunta sa kalandi, este kanduli, este kandila ang usapan dito? sige lang mga tol, oks lang magharutan tayong lahat dito. basta walang samaan ng loob ha?

  • mr_right14 said on Jan 15, 2007....
    tao
    pasensya na.
    Ganun naman talaga kapag nagstart ang conversation.
    Pangit naman kung one-way and one-topic lang.
    When someone commented on your post syempre you'll answer and converse with the commentator.
    Kaya yun hanggang madivert ang topic.
    As long as the conversations is there, more comments and will result to higher ranking.
    Di'ba ganda!
    Ako barok galing tribo tralala.
    Amin salita, limitado, dahil kulang aming tagalog, di kami turo aming ninuno.
    Dito amin tribu dami tsiks.
    Sa kanila kami tuto bigkas a-e-i-o-u
    Pero kabisa lang amin "a" "o" at "u"
    Kinig kami kapag may lalaki-tsiks gawa anak.
    Amin lang pansin ang "i" kapag tsiks kita ipis.
    Takot kasi sila.
    Kung iyo pansin, di kami gamit "e".
    Hindi pa kasi namin aral husto yun.
    Pag ako dalaw inyo tribu, turo mo ko pano "e".
    Para turo ko yun sa amin bata.
    Wala ka bang bagong post dyan na tagalog at makulit?
    Post ka naman ng bago!
    Buhay na buhay mga pinoy eh!
  • Lioness said on Jan 15, 2007....
    Pasensiya na po tao, medyo nalihis na nga sa main topic na basically eh basically naman talaga.. Kaya ayun, ung usapan, napadpad sa kandila, na ewan kung bakit nasama, hindi naman brownout. Pero marami akong natutunan kay mr_right tungkol sa kandila, basically. At tama, magandang tambayan ang blog mo, eh, gaya nga ng sinabi ko kay piB, mawalang galang na, kasi dati naman akong walang galang, babalik at babalik ako dito. Hehehehe

    Ginoong kanan, ang ginagawa ko, pag natuluan ng kandila (and i mean candle) ang damit ko eh pinapatungan ko ng absorbent na bagay gaya ng tissue at pinapatungan ng mainit na plantsa. Pero ok yung sinabi mo... Ang di ko lang alam eh kung paano alisin ang tulo ng ibang kandila sa damit, na kung linisin eh lalong kumakalat,at pag di kinuskos maigi, eh andun, nakakapit pa rin. hmmmmm...
  • mr_right14 said on Jan 15, 2007....

    Kapag natuluan ng kandila ang mga damit, hindi advisable na plantsahin directly. Lalong maninikit at kakalat. Tama yung ginawa mo, heat that up and absorb the wax by using a tissue.

    Pero mas practical and mas mawawala yung candle wax kapag binabad mo sa mainit na tubig. Basta lang na talagang nakalubog lahat and see to it na the wax melts and floats. Then on rinsing (if natanggal na lahat ng wax sa fabric) add water (any basta hindi mainit or kung gusto mo yelo) or let it cool down for the wax to solidify sa ibabaw ng water. Then after that hanguin mo na lang yung mga waxes na yun. That's it.

    Never wash clothes na may wax, it'll break into tiny pieces at magkakawax  din yung ibang clothes.

  • Lioness said on Jan 15, 2007....
    Hmmm... interesting. galing mo mr_right!!! =) thanks talaga for that info.. Este... pwede ka bang mag-work for me? LOL joke-joke!
  • mr_right14 said on Jan 16, 2007....

    uu ba? maglaba lang ba ng panty mo? No problem yun!

    Ay teka teka, don't tell me na natutuluan or nagkakawax yang panty mo? Pano nangyari yun? duh???

    Nagpapanty ba ang mga leon?

  • mr_right14 said on Jan 16, 2007....

    Haaaay kakaiba mga posts ni tao. Lahat naging tambayan. Tulad nito nagumpisa sa walang katapusang patutyadang essentially, actually ka-ek-ekan at napunta ngayun sa panty.

    Haaaayyy buhay..... parang layf

  • queenparanoia said on Jan 16, 2007....

    hahahaha ipapalaba mo panty mo kay mr_right14??

    hehehe saya siguro kung mangyari yun...

  • Lioness said on Jan 16, 2007....
    Panty? Anong panty? Kanino? Mine? Yay!!! Sorry, di me nagpapanty, I use disposable diapers! LOL

    Teka teka, paano at bakit naman magkakawax ang panty? Hmmmm?? Is there something waxy about that? Grabeng imagination ah...

    mr_right, yung work na sinasabi ko, mag-manufacture ng candles tuwing araw ng patay! mahusay ka naman dun di ba? hahaha...
  • mr_right14 said on Jan 16, 2007....
    Gagawin ko, iipinunin ko muna mga maruming panty nya hanggang sa wala na syang masuot. Dun ko uumpisahang labhan mga panty nya. Hehehe
    Para habang naglalaba ako, wala syang suot na panty.
    Tapos magpapamasahe ako then mamasahihin ko sya. Magfofocus ako sa mga erotic zones nya hanggang sa maginit and I'll let her make the first move to produce FIRE!!!
    Gagawin ko napakaintimate and passionate kisses and touch.
    I'll tease her till she ask and crave for it.
    Love you po LIONESS!!!
  • Lioness said on Jan 16, 2007....
    Buzzzzzzzzzzzzzz!!! erotica na yan mr_right! Hahaha! I think ok kang mag-sulat, magpost ka kaya???

    Pero pag inipon mo pa yan, baka hindi na labada ang tawag diyan, basura na! LOL


  • queenparanoia said on Jan 17, 2007....
    hahahahaha yun din kaya gawin mo sa mga briefs nya lionesss????
     
    kakatuwa kayo!!
  • Lioness said on Jan 17, 2007....
    OMG!!... wag na queen, baka sabunutan ako ng mga nakapaligid na girls sa kanya eh masira ang beauty ko (beauty daw oh!)

    Eto kasing si mr_right, may pagka-erotica ang mga kwento. napapa-squirm tuloy ako sa upuan ko. haha!! Nakalimutan ko ngang sabihin na nire-recycle ko yung adult diapers na gamit ko! LOL


  • queenparanoia said on Jan 17, 2007....
    ngek baka magkarashes ka nyan!!! hehehe becareful lagyan mo ng lotion!!!
  • tao said on Jan 17, 2007....
    sa totoo lang mga tol, giliw na giliw na giliw ako sa mga pinagsususulat nyo todits sa mga blakbord ko. gigil na gigil na gigil ako sa inyo lahat. lotion! panty! kandila! brief! tisyu! dayaper! aba'y baka reydin tayo dito ng mtrcb ha? pag ako e nakasuhan dito, ituturo ko si pareng kanan14, sasabihin ko, "mam, eto po promotor o, di po ako mam, peksman!"

  • queenparanoia said on Jan 17, 2007....
    hahahaha sorry tao ha napagtripan namin blog mo. puro kung ano yung basically ang pinag uusapan namin.
     
    once again sorry talaga! welcome back pala!!! anong nangyari sayo???
  • mr_right14 said on Jan 17, 2007....
    Teka teka, maayos naman yung mga comment ko ah?! Nasa reader na kung bastos o hindi. Kung bastos, eh di bastos ang naisip at paguutak niya. You mean si ArmidaSR ma-L? hehehe...joke lang po!!!
  • tao said on Jan 18, 2007....
    uy a. kayong dalawa jan ha? masyado kayong... hehehe... kayo ha? pa-lotion-lotion at patisyu-tisyu pa kayu jan ha? parang alam ko plano nyong gawin dalawa a.

  • tao said on May 24, 2007....
    mareng reynaaaaa! mareng leonaaaaa! anu na nangyari senyo ni g. kanan-katorse? bigla ba sya naliko sa kaliwa?

  • Lioness said on May 24, 2007....
    helo pareng tao!!! grabe ah, tagal mong nawala!!! miss ko na posts mo! =) si mr_right, ewan ko na kung nasaan, MIA. Pero ang reyna, naku, ayun, namamayagpag! =)
  • queenparanoia said on May 24, 2007....
    hello tao!!! naku bakit ngayon ka lang sumulpot??? naku ewan ko kung nasaan na si mr-right14!!! anyway andami ko na ditong love team!!!
  • tao said on May 24, 2007....
    ganun? basta na lang kayo iniwan ni pareng kanan14? aba aba aba, at isa't kalahating kaliweteng ewan pala yung mamang yun? jok lang pareng kanan14 ha?

    oy mga mare, pa-chika naman! sino na ba ka-labtim mo dito sa sowlkast, ha, mareng reyna? para me report ako mamya sa gma7 chika minute ni pia guanio hahaha.

    tapos tignan natin. kung sumpungin ako ng kakuwanan, e di astig. lusubin ko lahat ng blog nyo, para magsabog ng lagim pinoy.



  • queenparanoia said on May 24, 2007....
    ehehehehehehe go for it!!!
  • mr_right14 said on May 25, 2007....

    Reporting in....

    Duh tagal na rin pala kong hindi nagparamdam....

    Ehem...ehemmmm ano ba tong nababalitaan ko qp huh?

    Anong marami ka nang ka-love team?! Tsk! Tsk! Tsk!

     

    Iba na kasi work ko kaya hindi na rin ako makapgonline. Dati hanggang IC level...ngayun transistor level...kaloob-looban na ng IC.

    Waaaaa! Halos sumabog utak ko...4000 devices sa loob ng 1mm x 1mm. Lintik!

  • Lioness said on May 27, 2007....
    Mr_right!! ikaw ba yan?? Grabe ha, kala ko multo! Ok din kasi pag sumulpot ka o si pareng tao, nakakagulat! After a long hiatus, sa wakas, bumalik kayo!

    Naku, ibang level ka na nga talaga? tsk tsk..
  • tao said on May 29, 2007....
    pareng kanan14, tindi pala ng dami ng mga ka-labtim mo. 4,000 tapos pinagkasya mo sa 1x1. saludo ko sa yo tol. mareng reyna, tanong mo si kanan14 kung pwede ka din nya pagkasyahin sa 1x1 hahaha. jok lang a, pwera pikon :-p mareng leona, musta uli.



  • gentlepie said on May 29, 2007....

    hihihihi! peyups si ateng! :) one of the best reads ka talaga. dis is not ego massage dont worry. :) wat aym basically saying is your good, ateng... basically!

  • queenparanoia said on May 29, 2007....
    hahahaha kasya ba ako sa 1x1 sa laki kong ito?? whahahahahhaha!!!
  • mr_right14 said on Jun 03, 2007....
    Walang malaki o maliit sa maskuladong galit!
    Hehehe....
    Yan si MANOY!
  • tao said on Jun 03, 2007....
    abababa, siga ngayon etong si pareng kanan14 a! "walang malaki o maliit sa maskuladong galit!" mareng reyna, takboooooo! ayan na ang naghuhumindig at nangngangalit na manoy ni pareng maskulado. takbooooo naaaa! :-p
  • destinydiva said on Jun 18, 2007....
    hmmm   my head is screwed already!!!!

    but it looked like fun....   synoy dfdf sertes efso???   abynoooos
    estred gryfdpwpwpwp   ......uh! kdjfkfjd  eh eh ?  synoppodedfd!!!!
    enguilish en lager lager lager......  lol  (  drishfuhjhgh)
    elpasso felina en grouchy eh..cookie monster..... lol (drishfdfjhdjfh)

    ooh i like this language :-)

    Destiny x

  • queenparanoia said on Jun 19, 2007....
    destinydiva we are talking in our native language tagalog. you know there are so many filipino soulcasters in here... =)
  • destinydiva said on Jun 19, 2007....
    aaaw I feel terrible now
    I thought it was you all fooling around....
    especially as im sure ive read one of tao's posts in english.......

    I am very sorry...i hope i havnt offended anyone...

    Destiny x
  • queenparanoia said on Jun 19, 2007....
    oh dont worry. as long as you apologize. and dont make fun of it... =)
  • destinydiva said on Jun 19, 2007....
    sorry sorry sorry sorry sorry sorry ....truly...........sorry

    Destiny x
  • tao said on Jun 20, 2007....
    no problem, missy destiny, sometimes we filipinos are more irreverent in twisting our own language into unidentifiable shape... ;-p but, for the record, i hereby penalize you by requiring you to learn three useful tagalog phrases today.

    1. magandang umaga (pronounced mah-guhn-dahng oo-mah-guh) - good morning
    2. salamat (pronounced suh-lah-muht) - thanks
    3. mahal kita (pronounced muh-hahl kee-tah) - i love you

    now, go forth and memorize all three tagalog phrases. practice saying them often, especially the third one!  you are hereby forgiven   ;-p
  • destinydiva said on Jun 20, 2007....
    LOL tao~  I love a challenge ....I'm practicing already!!!!!

    Im glad I am forgiven ..... salamat  :-)

    Destiny x

    ps....  can you teach me more?? puuurrrrlease??
    maybe I could learn a new phrase everyday ???





  • queenparanoia said on Jun 20, 2007....
    desitinydiva! i'm glad you are learning!!! =)
  • gentlepie said on Jun 20, 2007....

    @ destiny (pasintabi po sa kataas-taasang tao, nawa'y patawarin ang pakikisawsaw ko hehehe) 

    heres another to add to your filipino vocabulary:

    ang ganda ko (ang guhn-dah koh) - i'm beautiful.

    haha. you should always have that in your arsenal. say that to everyone you meet in the street with a smile twinkling in your eyes! :)

  • tao said on Jun 21, 2007....
    miss destiny, are there many filipinos in the country or city where you live?

    because if so, and they find out that you know some pinoy phrases.... we affectionately use "pinoy" to mean "filipino".... then they will quickly befriend you and teach you some more.

    now if some pinoy men become too fresh with you.... some of us are like that ....and you want them to f*k off, you just tell them with a sweet smile, pare di ako katalo.

    repeat after me.... pah-reh dee uh-koh kuh-tah-loh. stress on the italicized syllables. roughly, it means, "buddy, don't play games with me."

    oy maring igfay, pwidi ikaw na magturu ng eba pa ditu ki maring distini?

    kasi baka kung aku tumutuk dito, mainlab pa aku sa kanya. e kabilin-bilin kasi ng nanay ku, wag daw muna aku mag-isip ng palab-lab na yan, masisira daw pag-aaral ku.

    kaw na tutuk sa kanya ha? pwidi?

  • queenparanoia said on Jun 21, 2007....
    tao nag aarala ka pa? ay sus matanda ka na di ba??? hehehehehehe nabuking!!!! =)
  • tao said on Jun 21, 2007....
    e bakit ba mareng reyna. kahit ba 90 yirs old me karapatan pa din mag-aral di ba? gaya ko. 90 yirs old na pero nagsisikap pa din mag-aral.

    dun po ako sa st. pauls qc. ang kurso ko po b.s. automotive, major in vulcanizing. o naniniwala ka na???? ha? ha? ha?
  • queenparanoia said on Jun 21, 2007....
    oo na maniniwala na ako!!! sus!!! ehehehehhehe
  • gentlepie said on Jun 21, 2007....
    ako naman asampshonista. kasi wen ur byutipool, you can do enithing. [gretchen sa fantin komershal]. ano va kowyah, wag ganyan. support team mo lang kami ni kyups! kaw pa rin ang master titser ni ateng desti.
  • Lioness said on Jun 21, 2007....
    Hellooooooooooooooooooooooooooooo sa inyong lahat!!Grabe pareng tao, pwede ka nang maging translator ah!!!! May talent ka pala niyan... may kahalo pang phonetics.. nakukuha naman kaya ng kaibigan niyo yan, ha??? =)

     Hay naku, sa wakas at nakabalik na naman ako sa mundo ng tinapong kaluluwa (soulcast?). Ngak..


  • queenparanoia said on Jun 21, 2007....
    tinapong kaluluwa??? whaahhahahahha oo nga no? =)
  • tao said on Jun 21, 2007....
    maring igfay, sigi kayu rin, pag aku na-inlab ki maring distini, mawawalan na kayu ng kyut na laver boy.

    maring liona, muzta ka na jan. san mo ba nilipat bagong lungga mo? hanap aku ng hanap sa nashunal jografic chanil, di kita makita. buti naman at nakabalik ka ditu sa pinas mula sa aprika.

    teka, e tila di na bumalik si distini... maring distiniiiiiii... asan ka naaaaaa.... mi lisun pa tayu uliiiii ....

    ay, natakut yata ang byuti nya sa madlang fefol ng mga fenoy na solkastir. HNP
  • Lioness said on Jun 21, 2007....
    Hay nakooo pareng tao nakabalik na ako sa zoo, medyo nawalan nga me ng tahanan dun sa gubat eh, akalain mo, wala na akong masilungang punong kahoy, kalbo na, pati ako kalbo na, buntot na lang ang may hair. Ikks.

    @queen: cool di ba!

    Sige ituloy niyo ang lessons niyo.. harinawa ay may matutunan ang inyong student. lol
  • destinydiva said on Jun 21, 2007....
    hi everybody..... well I learnt lots tonight..... tao in english is human :-)
    and I have as much intellect as a lab spade.... ???  hmmmmm 
    anyways dont think its wise to learn it hey...... would rather not know
    bye x
  • queenparanoia said on Jun 22, 2007....
    destiny diva you got it correct!!! tao indeed means human... =)
  • gentlepie said on Jun 24, 2007....
    hala! tinakot nyo!! di kinaya ng pawerz nya! wala na kayo tshans ni distini magkadebelowpan koyah tao... kumaripas na ng takbo palayo!
  • tao said on Jun 24, 2007....
    uu nga e. siguru mi bad expiryens sha sa mga barumbadong pinoy sa u.k. hehehe ;-p
  • queenparanoia said on Jun 25, 2007....
    hehehehehhehe tinalot mo tao!!! =)
  • destinydiva said on Jun 25, 2007....
    please could you delete my comments and forget I ever came to this post....??
    my ears are burning :-)
    maybe I'll come back again when I know your language.
    I'm sorry once again for the misunderstanding


  • queenparanoia said on Jun 25, 2007....
    oh dont worry destinydiva!!! i'm happy you are here and interested in our language!!! just tell what to translate and we well teach you!!! =)
  • tao said on Jun 29, 2007....
    destiny, don't worry, there is no problem and no need to apologize. we are honoured to have you mix it up with us anytime, whether or not you know our language. i will not delete your comment, and i will never forget you came... and came... again and again... to this post. LOLOL!

Comment on "o basically naman pala e"

wika basically dkhfdjfhdj (Click to add tags below)

(Separate tags using commas, for example: New York, dating, vegetarian)
Comment Anonymously

bullet day i will giant you!!!

o ha. tol, hindi ka tunay na pinoy kung hindi mo magets etong simpleng pangungusap na sinulat ko sa taas. bullet day, i will giant you. napakahirap ba namang intindihin nyan tol? kung di mo magets, pero pinoy ka...

Subscribe to the SoulCast Newsletter To Receive the Best Uncensored Blogs About Love, Sex, Relationships, God, Politics, and More.


Ever wonder what people really think and how they really live?

Read about the real lives of regular people like you whose powerful moving blogs will make you smile, cry, emotional, and warm inside.

Your FREE SoulCast newsletter is just moments away. Receive your first feel-good blog by entering your email address below.

First Name:
Your Email:


You can unsubscribe at any time with one click. We NEVER sell or share your email address with anyone. Period. close