ellamae14's tags:
pumasyal kami kanina ni angela kina terdy, bagong pamangkin. Ay naku, ang pogi talaga ni terdi, tisoy na tisoy at may cleft chin at dimples pa. Namimilog ng husto si kulokoy dahil sagana sa alaga at gatas ng ina. Gustong gusto na namin syang hiramin ni angela para iuwi sa bahay ng mga ilang araw kaya lang may paniniwala ang bayaw ko at pamilya nya na hindi pwede ibyahe ang baby kung hindi pa binyagan. Kaya ayun nagkasya kami sa ilang oras na panggigigil at pagyakap at halik sa bagong miyembro ng pamilya.
 
Pansin ko lang talaga, hindi naman ako mapamahiin, pero hindi rin naman kumokontra sa mga naniniwala, pero itong si angela kada na lang kasama ko sa lakad lagi kaming inaabot ng ulan na walang dala ng payong. Tulad kanina, ang ganda ng sikat ng araw, ang init, tirik na tirik, katanghaliang tapat, bigla ba namang umulan ng malakas. Grabe. Ang lupit ng balat ni angela. hehe. Sabi nila pag daw may balat may kakambal na bagyo o ulan kada lalakad o lalabas ng bahay. Kay angela parang totoo nga ang pamahiin. hm..
 
 
 


del.icio.us Digg reddit StumbleUpon

Comments

  • queenparanoia said on Oct 02, 2009....
    hala... totoo kaya yun???
     
    teka pakurot sa pamangkin mo!!! :-)
  • ellamae14 said on Oct 02, 2009....
    hmrp. ay naku queen nakakagigil talaga si terdi boy, super duper cute!! ang ganda ng cleft chin. mag post ako pic. miss ko na din si angela ko nagbakasyon eh.

Comment on "Ang balat ni angela"

pamahiin tagalog (Click to add tags below)

(Separate tags using commas, for example: New York, dating, vegetarian)
Comment Anonymously