Nakakaloka.
Ang gulo ng utak ko ngayon.
May dalawa kasing tao na pinagpipilian ko. Ang dalawang taong ito ay malaki ang pagkakaiba. At kung pipili man ako sa isa sa kanila, ibig sabihin din nun, ay ibang landas ang tatahakin ko.
Iniisip ko kasi kung si JC ang pipiliin ko, ibig sabihin, makikipag boyfriend na talaga ako sa kanya. Ibig sabihin, conventional na relationship. Committed, magbibigay ng oras, magiging loyal, at magbibigay ng pagmamahal. Na kung iisipin ay maganda, tahimik, at maayos.
Sa kabilang banda, nandiyan si DJ. Oo si DJ na puro sex ang nasa utak. Kung si DJ ang pipiliin ko, ibig sabihin nun, isang FB relationship ang tatahakin ko. Sinasabi ni DJ sa akin na gusto niya ako at gusto niyang maging girlfrieng ako. Pero sa utak ko, alam kong hindi ko mamahalin si DJ kasi nga FB ang tingin ko sa kanya. Alam kong hindi ko siya seseryosohin yung tipong ipapakilala mo sa mga taong nakapaligid sa yo as boyfriend kasi at the back of my mind, malamang yun din ang tingin nya sa akin. Realist ako at ayokong madisappoint dahil lang nagkaroon ako ng mataas ng expectations.
Kung sabagay, pwede namang piliin ko sila pareho. Si JC ang pangboyfriend, ang consistent, ang pwedeng ipakilala, ang pwede kau kausap, yung tipong if you want to be seen, then you can go out with him. Pero kung sex at adventure ang hanap mo, go with DJ.
Ang problema, pareho kung gustong gawin yun. Actually hindi naman talaga pala yun ang inaalala ko. I know that I'm going to be with DJ. {{Wag munang magreact}}. Ang inaalala ko, yung consequences. Marami siyang alam, kaya for safety, marunong siya.
Kasi halimbawa kung sakali na magsawa na ako kay DJ, at magcommit na kay JC, and if ever may mangyari, malalaman nya na I have done it with someone else. Kasi ang alam niya, dahil sinabi ko sa kanya, isa akong v, which is totoo at that time, at hanggang ngayon naman, pero hindi ko lang alam sa mga susunod na araw. Sabagay, I can always tell him na nagsinungaling lang ako dahil nahihiya ako. Pwede rin.
Pasensiya na kung medyo ginagawa kung big deal eto, pero kasi big deal ito para sa akin. 23 na ako, and for the first time, I think willing ako, which is sobrang bihirang mangyari. I'm starting to loosen up, and right now, I'm confused.
E di piliin mo yung taong mahal mo.E hindi naman yun ang habol ko ngayo eh. Companionship and adventure lang naman. Kasi sa paniniwala ko, sa ngayon, kapag pumili na ako, dun ko lang madedevelop yung pagmamahal, kasi nanapapansin ko sa akin, hindi kara karaka yun. Sa sobrang hilig kong magisip at laging una ang utak, minsan naoovershadow nya ang pakiramdam ng pagmamahal sa simula. JC represents companionship, friendship, and consistency. Si DJ ang adventurous, ang magulo, at ang unconventional. Tanong nyo sa lahat ng ex ko, ganun ako, sa gitna nagmamahal, hindi sa una.
Ang nakakatawa, kung kelan ako tumanda at naging maayos ang buhay, ngayon ko pa gustong magkamali. Hayz. Bahala na.
Sabagay, pwede rin namang maglaho si DJ kung gugustuhin ko at dumirecho na lang ako sa isang conventional na relationship, pero gusto ko rin naman muna ng adventure.
Hay naku, bahala na, basta I'll stay safe and hope that everything works out kung ano man ang piliin ko.
Happy Holidays to myself and to others,
Jackie



