Goodness gravy, mag ti-24 na pala ako next year, actually I just turned 23 four months ago, pero pakiramdam ko eh kelan lang yun, parang last month, but no, December na pala. Pakers.
Hala, lilipas na naman ang isang taon at grabe, parang kelan lang eh ang nene ko pa. Parang kelan lang hindi ko alam kung saan ako pupulutin. At parang kelan lang din nung nagugulumihanan ako kung ano ang gagawin ko sa buhay ko. Pero ngayon, eto, ganun pa rin ako, yun nga lang mas mayaman ng kaunti at mas stable. As for boylet, marami naman, pero nothing steady, no one to call as my man, kasi nga men, pero kidding aside, wala talaga. Oo, I have JC, pero I don’t know what to call him. I mean he tells me that he loves me, and I can feel it, pero ang tanong, ano naman ang nararamdaman ko. Leche. Bakit kasi ako hindi katulad ng ibang girls dyan na sobrang romantic. Bakit ba lagi na lang nauuna utak. I always find something wrong with a guy. Pero lam nyo, okay na tong si JC. Reliable, predictable, may respectable na trabaho, romantic, may hitsura naman, at sinusunod at bawat sabihin ko. Example, sinabi kong magpagupit na siya at ahitin nya bigote nya, ayun ginawa nga ang sinabi ko.
Andito rin naman si Jethroe, but he is no JC. Prangka, makulit, medyo may pagkabastos, but he speaks what is on his mind at sasabihin niya sa yo ang gusto niyang makuha. Straightforward at walang paliguy-ligoy, palibhasa, guwapo kaya hindi nahihirapang makuha ang gusto niya. Yun nga lang, nahirapan siya sa akin kasi nga iba ako, kasi sa lahat ng binobola nya, ako lang ang ayaw pumayag at ayaw magpadala, kasi nga po Virgin. O da va, ang taray ng lola mo. Pero at least alam ko na kung ano ang gusto niya, and I think we are friends, yun nga lang makulit pa rin talaga siya.
Kung tatanungin nyo ako kung sino ang mas possibleng sagutin ko, well malamang si JC, pero kasi, ano, ewan. Di ba pag magboboyfriend ka, dapat head-over-heels ka, yung tipong hindi ka makatulog to the extent na tubuan ka ng pimplets sa mukha mo, pati na sa ilong, sabay nag daday dream ka at ngiti ng ngiti na parang ewan. Akshuli, namimiss ko naman si JC tuwing lilipas ang oras na hindi cya nagtetext, pano kasi lagi cyang nagtetext parang clock work. As I said, predictable. Pero ang hindi ko alam, am I falling, o namimiss ko lang ang makulit.
As for Jethroe, okay naman kasi pag kausap ko siya, noong una, namimiss ko rin ang pangungulit nya, pero parang nasanay na ako. Parang la ng effect. Pero mind you, ang saya nyang kausap. Gaguhan kung gaguhan, nakakatuwa. No holds barred. Maginoo pero medyo bastos, pero mas lamang ang bastos.
As for Jason, naku, si Jason nga pala, naku nakakalimutan ko na nga na nag-eexist pala cya. Sabagay hindi rin naman cya nagtetext. Busy rin kasi si lolo mo. Ako rin busy, sa 2 trabaho at sa 2 boylet. Pero pakers naman, dapat naman by next year, may sagutin na ako dun sa dalawa, aba nakakapagod din namang dala-dalawa ang iniintertain mo noh, at saka buti nga hindi ako nagkakamali sa pagtetext.
Sa ngayon, mas lamang si JC. Ano kaya, sagutin ko na ba? Wala na kayang aapila? Oo nga pala, si Macky, yung ugok na nanliligaw sa akin ever since nung may jowa pa ako nung college, muli na namang nagpaparamdam. Ano beh…. Pero sabagay, never ko namang nagustuhan si lolo, kasi nga ayaw ko ng magkajowa ulit ng Marc Anthony ang tunay na pangalan. Aba, 2 out of 3 jowa ko, yun ang pangalan. O di ba, bonggacious, pero yun naman ay nung hayskul to college days, at minsan nga, I mixed them up, talking on the phone na akala ko yung isa ang kausap ko, yun pala yung isa ang kachukaran ko, pano, nakakahiya namang magtanong ng apelyido sa ex di ba? Nun kasi nirerecycle ko lang naman yung dalawang yun eh, tapos nung dumating si Rod, ayun hindi ko na binalikan kahit sino sa dalawang Marc Anthony. O di be, bongga.
Pagkatapos nung college, ayun date na ako ng date. Pakers talaga, kung sinu-sino kaya ang mga nakakaka date ko. Siguro kung icoconsider mo as boyfriend yung mga boys na dinate ko for more than a month, ayun sa batayan ko, mga naka ilan na rin siguro ako, pero pwamis, tatlo pa lang talaga ang nagiging boylet ko na may commitment, yung iba, wag nyo na lang tanungin, kasi hindi ko rin naman matatandaan sila lahat. O di ba bongga. Pero masyado na ba talaga akong jaded na hindi na ako magkokomit.
Pero ano ba talaga ang gusto ko sa isang lalake? Magandang tanong yan. Ewan ko. O di ba ang gandang sagot. Dati kasi, I have this idea of the perfect guy, that would sweep me off my feet, gorgeous, smart, witty, funny, rich, and perfect. Parang bading ata ang hinahanap ko ah. Pero on a side note, ewan ko ba, kasi habang tumatanda ako, mas nawawala ang idea ko kung ano yung gusto ko. Siguro jaded na lang talaga ako from all those experiences. Ewan ko.
Pero through the years kasi I’ve learned that I’m the type of person who doesn’t fall in love at will. Ako yung tipo ng tao na kapag may nakitang bagay, pinagiisipan muna, humihingi ng panahon, at nagmumuni muni. Nagtatanong at nageeksperimento. Hay.
Financially naman, okay naman ang lagay ko. Maganda ang trabaho ko, maganda ang sweldo, pero syempre, as for growth, malamang hindi na lalago ang kumpanya namin, kasi mukhang cash cow lang naman ni bossing itong kumpanya, which is okay lang naman sa akin, basta ba tumataas ang sweldo ko, good tayo dyan. Pero honestly, baka pag nakatwo years na ako dito, baka maghanap ako sa iba, o kaya naman eh ituloy na lang ang balak na magtrabaho sa ibang bansa. O di ba, kwentong OFW itech. Pwede rin namang mag-aral ulit ako at mag MBA o kaya MTM, pero malamang baka MBA ang kunin ko. Pero baka by next year pa yun. Or baka next next year. O di va, la talagang direksyon.
Bukod sa trabaho kong main, meron pa akong raket, na stable din naman. Monthly ang bayad sa akin at mostly consulting/freelancing ang ginagawa ko. Ayos naman ang bayad, at gamit na gamit ang talent ko sa programming. Pero ayun nga, pakiramdam ko makakaipon naman ako ng sapat mula dito sa sideline. Pero para saan ang iipunin ko? Marami akong gusto pero hindi ko naman alam kung tama bang doon ako gumastos.
Gusto kong buhayin ulit farm ni mudra, at kinausap na nga ako dati ni ate na mag aambagan kaming dalawa para pondohan ang farm. Tig singkwenta mil kami, pero sa tinatakbo ng mga kagastusan at kautangan ni ate, mukhang ako lang ang makakapagproduce ng 50k on time, akshuli kahit ngayon din pwede ako magbigay, pero ayaw ko namang i-ispoil si ate. Gusto kong buhayin ang farm ni mamu at si mamu ang mamamahala pa rin. Pero habang lumalapit ang deadline naming magkapatid ay parang mas lumalabo ata.
Si ate ayun, parang ewan, nagbubuhay dalaga pa rin kahit na I think it is about time for her to get out of that company and look for a bigger salary. Ang tagal tagal na nyang sinasabing aalis na siya, pero hindi pa rin nya ginagawa. Ni wala nga atang bank account si lola mo, pano naubos ata kakapautang sa kaibigan. Messed up priorities ika nga. Ewan ko ba dun, mas lukaret pa kasi si ate sa akin.
As for me, hindi ko pa rin alam kung saan ang kapupulutan ko. Gusto ko bang magnegosyo na lang after two years, mag abroad, o lumipat ng ibang kumpanya at magpaka bossing at manakot sa mga batang programmers? O mag- aral at magmasters para mas makapili ako kung saan ba talaga ang gusto kong kapulutan?
Pero lam nyo, pag nangangarap ako dati, simple lang naman, magkaroon ng apartment na ako lang ang naninirahan, magkaroon ng magandang computer, mga magagandang appliances, habulin at maligawan ng mga maraming lalake. Ganun lang talaga kasimple ang gusto ko nung makagraduate ako ng college. At ngayon, ano pa bang mahihiling ko di ba, eto na yun. Pero tumatanda na ako, kelangan naman magkaroon naman ng konting direksyon ang mga pangarap ko tulad halimba ng maging CTO ng isang kumpanya, o kaya naman magkaroon ng sarili kong kumpanya, magtayo ng sarili kong negosyo, o yumaman at magkaroon ng milyones. Masarap mangarap, pero praktikal kasi akong tao, pag tingin ko masyadong mahirap, hindi masyadong tinataasan ang ekspektasyon ko, para hindi rin ako madisappoint. Babaw noh?
Hay, san kaya ako pupulutin sa loob ng dalawang taon. Hay.
Tseklist:
- Pera – tsek
- Apartment – tsek
- Hitsura – tsek
- Boylet(s) – ambiguous. Pwede bang sagutin ko na lang sila lahat para fair? Well unless ligawan ako ni Zac Efron o ni Ed Westwick, ibang usapan na yan! Pwede na rin si Dingdong Dantes, pero is it me o parang dumami ang wrinkles nya nung nagpamuscle cya?
- Gadgets- tsek (Eto nga at type ako ng type sa bago kong laptop di ba)
- Pamilya – double tsek
- Karir – tsek (dalawa nga ang trabaho ko di ba?)
- Growth (ie. Magiging bossing ba ako sa current company ko) – ekis
- Sariling bahay – ah kaya kong bumili nung mga maliliit na house and lot sa probincya, pero kelangan ko ba ito sa ngayon?
- Kotse – naman, san ko naman siya ipapark? Pero kaya ko rin naman, pero san nga, ipakita nyo sa akin kung san ako makakakuha ng parking na libre sa maynila aber.
Ano nga kaya ang magandang gawin. Ay pakers. Sabi nga ng kaibigan kong si Bibs, ang lalake daw kasi sila yung type na get paid and get laid, happy go lucky. Aba, sounds family ah, tama bang talaga ang gender ko? Yun nga lang I’m not getting laid, but basically with the way I’m living now, parang ganun na rin yun hahaha. Sorry boys, ganun talaga ako. Malas nyo lang kasi ako ang naligawan nyo.
Pakers talaga,
Jackie



