Pilipinas, tinuturing na pinakamalaking katolikong bansa. mahigit 90 porsyento ng populasyon ng mga naninirahan dito ay mga katoliko gayun pa man, isa parin tayo sa pinakamahirap na bansa sa buong mundo..bakit? ilan sa mga patunay..
una, mataas ang presyo ng bigas..isa tayong agricultural country hindi ba? pero bakit tayo nagkulang sa bigas?wala na ngang makain ang mga Pilipino at bigas na lang ang inaasahan pupuno sa aming mga tyan at ngayon ay kasing presyo na ng dalawang araw kong unlimited sa Globe! akalain mo yun dalawang araw na UNLIMITED KO SA GLOBE e isang kilong bigas ng ng isang pamilya?isang pilosopong tanong, "bakit pag hindi ba ako nagload makakain ba sila?", hindi yun ganoon JUAN! isipin mo maswerte ka kasi yung singkwenta pesos mo panload mo ang samantalang sila ay pagkain na nila yun maghapon!
pangalawa, nagtaas na naman ang pamasahe... tanda ko noon tatlong piso lang ang pamasahe pero naun... huwaaat... 8 pesos na aba nmn..oo nga 7 pesos lang para sa aming estudyante pero pabigat pa rin ano.. ano ba ang dahilan???kasi po nagtaas na nmn ang presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan..haggang kailan ba iyan tataas??xempre kung tataas ang gaoslina magaamok sina JUAN na driver ng pampublikong mga sasakyan..in the end, mamamayan pa rin ang apektado!
pangatlo, e2 ang mga Lopez hindi alam ang gagawin dahil tumataas ang singil ng kuryente sa MERALCO. pati si JUDY ANN na wlang kamuang muang na nagbigay babala lamang ayun at nadawit pa! isipin mo..halos malusaw na ang balat mo sa init ng panahon at tanging electric fan na lamang ang magsasalba sa balat mo magiging conscious ka pa dahil mataas na ang singil sa kuryente? pambirang buhay yan...lahat ng lang ng bagay may bayad!
oo nga isa tayong katolikong bansa...relihiyoso..konserbatibo..madasalin...maraming FIESTA!..maraming selebrasyon...pero sa huli tutunganga na lang at maghihintay ng HIMALA..
hay...ewan ko ba sayo JUAN DELA CRUZ ulit ulitn mo man ang lahat ng misteryo sa rosaryong hawak mo pare pareho tayong mamumuti ang mata sa hirap ng buhay.
kaya JUAN DELA CRUZ.. kulang pa tayo sa DASAL!
-sjmnz 06/07/08



