goldfeather's tags:
goldfeather reads (6):
Who's reading goldfeather (4):
sa pagtitipong katatanggap
pagdalo'y nag-aalangan
di dahil sa pagbabantulot
na anyaya ng punong-abala
 
hindi iindahin ang gugol
madaling hulaan tala ng lipon
mahirap ang paksa sa panayam
pampalipas-inip sa balana
 
isip ko'y lumalaboy
sa pagtanan sa pluma
at kung sa titik ay napagod
kailangan bumawi ng tulog
 
maari bang sa sulok tumabi
nang sa lungkot walang makasaksi
sa dami ng kasama
puso'y ulila sa di nakikita


del.icio.us Digg reddit StumbleUpon

Comment on "Ang Paanyaya (The Invitation)"

loneliness tagalog social gatherings obligations (Click to add tags below)

(Separate tags using commas, for example: New York, dating, vegetarian)
Comment Anonymously

Oh, it's all in the family, but I just need a little help so we can all be happy....