To everyone.. begging your pardons, i just gotta get this out of my head and if i type in english i will just bungle it up and retype it and rethink it.. and I might not be able to fully say what's on my mind.. my apologies... To the Filipinos here and to those that can understand the written Filipino.. Salamat at pasensiya na po.
Kundangan naman kasi eh.... Gaano na ba kahirap ang Pilipino at pati kable ng telepono na nakakabit sa poste eh kailangan pang nakawiN???? Nakng.. talaga... laking istorbo.. mabuti sana kung ang PLDT eh magaayos kaagad.. ang siste! HINDI!!! kahit anong tawag mo sa p*nye*ta*g 173 na yan wala! palaging sasabihin sa iyo.. ay ma'am stolen cable po pala yan.. nakareport na po.. nakaline up na..hintayin nyo na lang po ang lineman. Nanakaw ang kable ng telepono namin biyernes ng mdaling araw.. nakabit ang linya.. miyerkules na ng hapon.. halos isang linggo...mga bwisit...tawag ng tawag ang ate ko from Canada.. di makatawag.. kasi nga walang telepono..di makapaginternet.. to think ang laki ng bayad ko sa internet para lang makakuha ng mabilis na connection.. 3700 plus vat pa.. halos 4k a month a bayad ko sa pldt kasama dsl at telephone line.. tapos sasabihin sau ng customer service nila.. nakareport na ho, hintayin nyo na lang ang lineman....haaaaaaayyyy... di mo naman sila masisi.. dahil sino nga ba ang gustong manakawan ng linya ng telepono.. Yan na nga ang sinasabi ko eh.. gano na ba kahirap ang pinoy at kailangan pang umakyat sa poste at manguha ng tanso.. mga bwisit rin kasing mga junkshop yan na naglabasan parang kabute.. nagbabayad sila ng malaking halaga para sa kilo ng class A na tanso.. imagine.. 300 pesos average..poteks! pati manhole ninananakaw... at binibili ng mga tantadong junkshop! Anong asenso ba magkakaron ang pinoy kung ganyan na lang ng ganyan....ang tinding mamerwisyo.. nakakabaliw.. Mabuti sana kung alam mong kailangan talaga nila ang pera.. may mamatayan ng anak or pambili man lang ng pagkain.. ang problema.. pang bisyo lang.. pang juts or pang s... paano n lang ba to...nakakabwisit na talaga..... di mo masisi ang ilang pinoy na gusto na lang mamuhay sa abroad.. ako hindi ko pinangarap un.. nun lumalaki ako hindi ko inisip na pupunta ako ng amerika o ng canada...kaya lang... sa buhay ngayon.. paano ka mabubuhay ng ganyan... kung pati ang telephone cable.. na nasa poste.. nanakawin pa.. anong pagasa pa ba meron ang pinoy?
Ayaw kong isipin na palubog na tayo.. kaya lang.. pati ang gobyerno natin.. ay inutil.. kahit na sino umupo.. paalisin man nila si PGMA, sinong papalit? ka2lad lang din nya...pare pareho naman ang pulitiko..pare parehong corrupt... wala kang tulak kabigin sa knila... dahil lahat..nasisilaw sa pera..lahat pag pinakitaan n ng milyon, bilyon... nakalimutan na ang prinsipyo.... nakalimutan na ang lahat....hindi ko masabing mahirap ang pinoy.. eh poteks.. pati ung aleng nagtitinda ng balot sa kanto at ung nandun sa may overpass na lalaking nagtitinda ng kendi at yosi may cellphone, pati basurero naka nokia 3300 pa! Naguusbungan ang mga load centers dahil alam nila may kita dun.. dahil 99% ng pinoy nagcecelphone... pano mo sasabihin mahirap ang pinoy? Kung pati ung mga sinsabi nating squatter eh may 29inch na TV at DVD pa? haaayyyyy... mahilig lang ata talaga ng pinoy sa easy way out... hangga't kayang di maghirap at may tutulong at may gagawa ng paraan para sa kanila.. kahit magbyad... kahit mahal.. wag lang maabala....Kaya ako.. tutal aalis na naman ang nanay ko, pati ung kapatid ko.. andun n sila lahat.. baka sumunod na kaming pamilya dun.. dun na kami gagawa ng panibagong buhay... Pero.. sana naman hindi.. sana naman.. magbago.. sana naman magkaroon ng tunay na pagasa.. hindi ang pilipino.. kundi ang pilipinas.. kc kung ganito ng ganito... hindi aangat at pinas... bababa lang ng bababa.... Hindi tao kundi ang bansa.. dahil ang tao.. may oportunidad lang sa amerika, canada. australia, or kahit nga singapore or hongkong lang eh...aalis.. eh di wala ng hirap na dala ng pagtira sa pinas? So, sinong naghihirap eh di ang bansa.. at ang mga pinoy na pa2loy lang namumhay dito? What if everybody leaves? San na pupulutin ang pinas? wala na? Lalo na lang maghihirap? lalo na lang masasadlak? Hindi na makakatayo sa pagkakadapa? Sana magising ang pilipino.. magising ang gobyerno... sana magising tayo...Hindi sa pagrarally at pagsabing magresign ang lahat ng tao sa gobyerno.. kundi sa pagpapalawig ng sarili.. pagayos ng pamumuhay.. sa pagpapakatino..lalo na ng mga taong nalalagak sa pwesto...sana.... mga pangarap na may katuparan kung lahat ng tao ay magiisip sa kapakanan ng bukas... ng hindi lang para sa ngayon.. kundi hanggang sa mga susunod na henerasyon ng pilipinong pa2loy na mamumuhay pagkatapos natin.. at magdadala ng mga problemang ginawa natin sa ngayon....
Haayyy ang haba.. isipin mo.. yan ay nagsimula lamang sa pagkakanakaw ng kable ng telepono at isang linggong hindi paghawak sa mouse at pagtuktuk sa keyboard at pagtitik sa monitor.. paano na lang kaya kung nagtagal pa, ano???



